Q&A with PROTEGE's Apple Vega


 Below is the transcript of the Q & A with APPLE VEGA, 20 of Dipolog City. a registered midwife and a Protege of Phillip Salvador (Mindanao)

Tumakas ka daw sa alcoholic father mo para lang maka-audition sa Protégé?

“Yes po.”

Bakit, ayaw ba niyang mag-artista ka?

“Yung papa ko po kasi laging umiinom at hindi naman po niya talaga alam kung anu-ano ang pinaggagawa namin kaya nung nag-audition po ako, hindi ko na po ipinaalam sa kanya. Kasi kung ipinagpaalam ko po sa kanya, bale wala lang din naman po sa kanya kaya ayun po, hindi ko na po siya sinabihan.”

Sinong kasama mo nung audition?

“Ako lang po. Nag-audition po ako sa SM Cebu. Mag-isa akong nagtravel (by ship) sa Cebu at wala po akong kakilala doon sa Cebu*. Nag-stay lang po ako sa medyo murang apartelle kasi wala po akong pambayad sa hotel.”

*Dipolog (Mindanao) is a 4-5 hours slow-boat ride to Cebu (Visayas)

So mag-isa mong sinubukang abutin ang pangarap mo?

“Opo. Kasi wala po kaming pambayad sa barko po.”

Saan mo nakuha yung pang-gastos mo para sa audition?

“Humingi po ako sa auntie ko at pinahiram naman po niya ako ng pera kaya ako nakapunta sa auditions.”

“Dumating po ako sa Cebu ng 5:00am tapos pumunta po ako diretso sa SM Cebu ng mga 7:00am. Tapos naghintay po talaga ako doon tapos nakita ko po yung ibang mga nag-audition, marami mong mga magagwapo at magaganda kaya kinabahan po ako. Sinabi ko nalang po sa sarili ko na ‘pumunta ako dito dahil gusto kong mag-audition at kung ano man ang mangyari sa pag-o-audition ko, God has a plan.’”

Ano ba yung pinaka-memorable na part ng pag-audition mo?

“Nung kinausap po ako ni Ms. Jolina kung ano ang reason ko sa pagsali sa Protégé at kung saan ko hinuhugot ang emosyon ko. Tapos nung kinuwento ko po sa kanya, nag-iyakan po kaming dalawa.”

**Apple’s mentor is Phillip Salvador but she auditioned in Cebu where Jolina scoured for protégés. When she was taken in as part of the Top 20, she was assigned to Phillip Salvador since she is from Mindanao.

Ano ba yung reason mo sa pagsali sa Protégé?

“Gusto ko po talagang maging isang magaling na artista. At kapag nakamit ko po yung pangarap kong ‘yon, makakatulong na po ako sa pagpapa-rehab ng papa ko.”

“Gusto ko po kasing ma-experience kung paano magkaroon ng isang maayos na pamilya talaga e. Kasi ever since na mga bata pa po kami, hindi na po siya (her father) sumasabay sa amin kasi lagi po siyang lasing.”

Ano ba ang pinaka-importanteng leksyon na natutunan mo sa buong proseso ng pagsali mo dito sa Protége?

“Maging malakas, pagkakaroon ng tiwala sa sarili at sa Diyos. Yun po.”