Pinoyfest 2023 — 𝐒𝐀𝐏𝐀𝐍𝐓𝐀𝐇𝐀: 𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐤𝐚𝐥𝐚


 

𝐇𝐮𝐰𝐚𝐠 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐝𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐤𝐚𝐥𝐚!

Sa darating na Enero 21, ika-5 ng hapon inaanyayahan ng UP Samahang Mag-aaral na Nagkakaisa ang mga masigasig na tagapakinig ng OPM upang samahan kami sa SM City Clark Cinema 2 sa pagdiriwang ng Pinoy Fest 2023, SAPANTAHA: Marami ang Namatay sa Maling Akala! 🎤🎸

Tayo na at manguna sa pagpapahayag ng damdamin. Makinig sa malikhaing pagpapahiwatig ng katotohanan sa entablado. Sabay-sabay nating pakinggan ang awit ng mga ating kapwa estudyante para sa katotohanan.

Ang Pinoy Fest ay isang programa na taon-taong nagaganap at pinapangunahan ng UP SAMANA. Ito ay isang plataporma na nagbibigay liwanag sa mga napapanahong isyu ng lipunan tulad ng korapsyon at harap-harapang karahasan na nararanasan ng mga mamamayan.

Sa taong ito, ang 𝐒𝐀𝐏𝐀𝐍𝐓𝐀𝐇𝐀: 𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐤𝐚𝐥𝐚 ay isang temang nanawagan sa mga mamamayan na imulat ang kanilang mga mata. Ang hindi pinagiisipang “sapantaha” o “assumption” sa Ingles ay sumisimbolo sa maling desisyon na ginawa ng mga Pilipino. Ang sapantaha na magiging isang magaling na lider ang isang taong walang paninindigan at may bahid ng korapsyon ay hindi kailanman magiging tama. Bilang resulta ng maling akala, ang mga nasa laylayan ay patuloy na naghihikahos at patuloy na dumadami ang mga dugong dumadanak. Tahasang isinusulong ng temang ito ang katotohanan at iwinawaksi ang pagbaluktot ng kasaysayan.

Sa pagpapamalas ng mga natatanging talento, nabibigyan ng boses ang mga taong pinatahimik. Ang bawat estudyante na magiging parte ng programang ito ay magsusulong ng kamalayan habang pinapangalagaan ang OPM. Sa pamamagitan ng Pinoy Fest 2022, ang musika ay magsisilbing malakas na sigaw sa pagkamit ng hustisiya. 

Kaya’t tara na at makisaling wakasan ang maling akala, maaari kayong magrehistro dito: bit.ly/AttendeesRegForm

Bukas ang registration form para sa lahat ng mga tagahanga ng musika at sining. Abangan ang mga sumusunod na banda:

🎪 LAKANjowa

UP LAKAN Clark

🎪 Priscilla

Pi Sigma - Pi Sigma Delta Confraternity

🎪 Dear Patricia

AIESEC in UP Clark

🎪 The EKT-EDTs

Sigma Kappa Pi Fraternity - Sigma Delta Pi Sorority UPDEPP

Kitakits! 😉


#SAPANTAHA2023

#HuwagManiwalaSaMalingAkala

#TumindigSaKatotohanan

#DingginAngBosesNgKabataan


JL Santiago Aquino

A millennial lifestyle blogger from Caloocan City who adores trying new things. ✨ Email: blog.ph7@gmail.com. Follow @JayL_Aquino on Instagram, Twitter, TikTok & Facebook.

No comments:

Post a Comment